Kung pwede lang plagi xa kasama. Pero may panahon na kaylangan ko din siyang iwan. Nadudurog ang puso ko pag umiyak na siya at inaabot ang kamay nya na para bang nagmamakaawa "sama mo ko mama." Alam ko ang nararamdaman nya. Dhil feeling ko din pag umaalis ako na wala xa e kulang ang dala ko. Kumabaga e xa ang best accesory q. Kumbaga siya ang mas nagpapaganda sa maganda ko ng aura. Pro ganun pa man, ito ay parte ng buhay. Kaylangan malaman nyang tumayo sa sarili nyang paa. (hehe kala mo matanda na anak ko). Kaylangan nyang matutunan na hindi sa lahat ng oras ay may "mama" na mag-aalaga sa kanya :(
Eto na naman ang gabi at tulugan na. As usual, pinaalalahanan na naman ako ng ina kanina. Pero parang anak ko lang din ako, makulit! Saka hindi lang naman ito issue ng sukob o hindi. Ang totoo kasi, hindi ko mapigilan ang hindi xa yakapin dahil sa tuwing ginagawa ko ito may hindi maipaliwanag na tuwa na nraramdaman aq sa puso ko. At feeling ko, ang yakap ko lang ang makakaprotekta sa lahat ng pwedeng masamang mangyari sa kanya. Iyon naman ang gusto nating magulang diba? Ang protektahan sila sa lahat ng kaguluhan, sa lahat ng problema, sa lahat ng di magandang bagay. Kaya naman kahit anung bawal ng ina, isusukob ko pa din si Riley at siya pa din ang paboritong yakap ko! :))

No comments:
Post a Comment